dyip

Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, karamihan sa ating mga Pilipino ay sumasakay sa isang pampublikong sasakyan, para pumunta sa ating trabaho, eskwelahan, o kahit pa sa galaan. Init ng panahon, usok ng sasakyan, traffic — ilan lang yan sa mga  araw-araw na kailangang nating indahin sa bawat pagsakay natin sa isang dyip. E pano pa kaya kung makasabay mo ang mga taong ito?

the DJ

Simple lang naman ang gusto ng mga taong ito, ayon ang di tayo makatulog! Sila yung taong alam naman na may mga kasabay silang gustong magpahinga, pero sige pa rin sa pagpapatugtog ng malakas. Yung iba sa kanila, kala mo ay nasa party talaga. Todo kanta na, may sayaw pang kasama.

Try mo:

Gumamit ka kaya ng headset?!

Tsikadora

Hindi naman sila yung mga taong laging madalas malakas ang boses. Sila yung classic na halimbawa ng mga tsismosa sa isang pelikula, mga nagbubulungan na kala mo mga bubuyog na naghahanap ng pulot. Sila yung instant source mo sa latest happenings sa buhay ng ibang tao, kadalasan, di mo kilala. Pero ang pinakanakakainis sa kanila, ang pagbibigay ng kuro-kuro tungkol sa mga sensitibong bagay kagaya ng relihiyon o kaugalian ng ibang tao na kala mo ay napakalalim ng kanilang kaalaman doon. Ang nakakainis, di man lang nila naisip na baka may katabi sila na may ganoong paniniwala.

Try mo:

I-reserve ang tsika hanggang mawala kayo sa pampublikong lugar. Baka makarating ka sa langit (o kung san man) nang di oras.

Good Bye Philippines

Paputok. Alam naman natin na sadyang maalinsangan dito sa ating bansa, at alam din naman natin na likas na masipag tayong mga Pilipino (kelangang i-verify pa). Pero pag pinagsama natin ang mga ito, dagdagan pa ang di paglilinis ng katawan, edi good bye Philippines na nga. Kahit naman di tayo maarte, e di naman din tayo makakatanggi na di talaga komportable na may  makatabi  tayong may tinatagong paputok, di ba?!

Try mo:

Maligo, maglinis ng katawan o magdala man lang ng pamalit. Lagay din kahit konting tawas.

 

Tambutso

Sila yung kala mo ay nakikipag-compete sa tambutso ng dyip, kaya kung makabuga na lang ay wagas. Sa dinami-rami ng mga nakapaskil sa loob ng dyip na “no smoking” e parang di pa rin sila nakakaintindi, kaya kulang nalang ay sa kanila mo mismo idikit. Maliban sa nag-aamoy usok ka, e uubuhin ka pa. Aba naman Kuya!

Try mo:

Huwag magyosi. Para sa ibang tao at para na rin sa’yo.

Snatcher

Ang mga drayber ng dyip, para silang magician. Kahit kala mo ay wala ng space sa upuan, e napagkakasiya, at ipagkakasiya pa nila ang iba. Ang mahirap ay yung alam mo na wala na ngang space e aagawin pa ng iba. Akala mo ay may nakatagong pakwan sa pagitan ng kanilang binti kaya di nila masara sara, o kaya naman ay akala ata nila ay sa bus sila nakasakay kaya kung umupo ay halos sa drayber na nakaharap.

Try mo:

Pagdikitin ang iyong mga binti at umayos ng upo.

Model ng Rejoice Shampoo (Haba ng Hair!)

Napanood mo ba yung commercial ng Rejoice o kung ano pa mang commercial ng shampoo o conditioner na kung saan yung lead model ay sadyang inilulugay ang buhok para mapapunta ito sa mukha ng ibang tao? Muka bang nakakatuwa? Maari [kung nasa comercial ka!] pero di ‘pag sakay ka ng dyip. Di ka na makahinga ng maayos e masakit pa sa mata. Pls lang girl?

Try mo:

Itali ang iyong buhok o di kaya ay hawakan ito.

Rudolf

Normal sa ating lahat ang magkasakit. Ang di normal ay yung manghawa ka ng sakit. Naranasan niyo na bang magkaron ng kasabay sa dyip na wagas kung bumahing AT di man lang maisip na takpan ang kanilang bibig at ilong? MEDIYO ok sana kung nasa dulo sila nakasakay e pano kung nasa unahan?! Ano ‘to, all for one, one for all? Sakit mo, sakit din naming lahat?

Try mo:

Magdala ng panyo o kahit ano pang pedeng pangtakip ng iyong ilong at bibig, dapat yung malaki ha?!


Bago ka maitulak sa sinasakyan mong dyip, try niyong ayusin ang inyong mga sarili sa susunod na ikaw ay sasakay dito. Matutong maging sensitibo at magpahalaga sa nararamdaman ng ating mga nakakasabay sa kahit anong uri ng pabpublikong sasakyan.

Advertisements