ELECTION

Ilang buwan na lang at eleksiyon na. Muli na naman tayong boboto ng mga susunod na mga mamumuno ng ating bayan. Marahil ngayon, alam na ng karamihan sa atin kung sino-sino ang ating mga ihahalal na presidente, bise-presidente, at mga senador. Ngunit, sa dami ng kakandidato ngayong darating na eleksiyon na pawang matutunog ang pangalan, maraming mga kababayan natin ang nahihirapan pa ring makapili kung sino ba talaga ang nararapat na iluklok. Kaya, layunin ng survey na ito na tulungan ang ating mga kababayang makapili ng kung sino ba ang dapat nilang iboto.

Mga tagubilin (instructions):

  1. Pumili ng isa para sa presidente at bise-presidente at hanggang labingdalawa (12) para sa senador;
  2. kung wala sa mga pagpipilian ang inyong nais iboto, maaari niyo siyang/silang idagdag;
  3. para mas makatulong sa ating mga kababayan, maaari kayong mag-iwan ng komento sa baba ng mga credentials (mga nagawa, pinag-aralan, atbp) nng inyong mga kandidato. Paalala lamang. Bawal ang mga paninira sa ibang kandidato. Ipakita natin kung gaano nating kaalam ang mga magagandang nagawa ng ating mga kandidato, at hindi ang duming ibinabato sa ibang kandidato;
  4. Hangga’t maaari, bigyang laman natin ang ating mga argumento ng mga katunayan (facts) ;at
  5. ang paggamit ng mga masasamang salita (derogatory words) laban sa kandidato o sa iba pang nagkokomento ay ipinagbabawal. Panatilihin natin itong lugar at paraan upang makatulong sa mga kababayan natin at di upang makapanira o makapanakit ng ibang tao.

 

Ngayon, pumili ng inyong kandidato sa pagkapresidente:

 

Sunod, para naman sa pagkabise-presidente:

At sa huli, pumili ng inyong mga kandidato para sa pagkasenador (hindi kailangang 12 ang inyong piliin, maaari isa lang, dalawa, o ilan pa man, hangga’t di lalampas sa 12):

 

Salamat sa inyong pagtulong sa ating mga kababayan upang makapagdesisyon sa darating na halalan!

 

Advertisements